HAHA. JOKETIME

Bobo: Pare, hulaan mo ugali ko, nagsisimula sa letter A.

Pare: Approachable?

Bobo: Mali .

Pare: Amiable?

Bobo: Mali pa rin!

Pare: O sige, sirit na nga!

Bobo: Anest.

==========================

Policeman arresting a prostitute…

Prosti: Aba , I am not selling sex!

Police: Then what are you doing?

Prosti: I’m a saleswoman selling condoms with free demo.

==========================

Bush: What are the pollutants in your country?

Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin, chicharon, mani.

Erap: Anak, may nakalimutan ka– Boy Bawang (cornik).

==========================

Tindero: Bili na po kayo gatas ng baka. Sampung piso lang isang baso.

Manong: Ang mahal naman! Wala bang tig-pipiso lang nyan?

Tindero: Meron po, pero kayo na po ang dedede sa baka….

==========================

Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na utak ko!

Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open-minded.

==========================

A naked girl takes a taxi…

Naked Girl: “Bakit ka nakatitig sa katawan ko, ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?”

Driver: “Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago ang pamasahe mo!”

==========================

Beauty contest

Emcee: What’s the big problem facing the country today?

Contestant: Drugs.

Emcee: Very good! Why do you say that?

Contestant: Ang mahal kasi eh!

==========================

Amo: Bakit ka umiiyak?

Katulong: Sabi po ni dok, tatanggalan daw po ako ng butlig!

Amo: Butlig lang eh iiyak ka na…

Katulong: Ok lang po sana kung right lig or left lig….. pero bakit naman butligs pa! hu hu hu….

==========================

Doc: Ano ang trabaho mo, iha?

Girl: Substitute po.

Doc: Hindi kaya prostitute?

Girl: Hindi po, mama ko po ang prostitute, at kung may sakit po siya, ako po yung substitute.. ..

==========================

Doc: For your health take only a cup of rice, lean meat and a cup of kangkong, fruits for dessert and lots of juice….

Fat guy: Doc, shall I take them before or after meals?

==========================

Kodigo

Nahuling may kodigo ang estudyante.. .

Guro: Ano ‘to?

Estudyante: Prayer ko po, ma’am!

Guro: At bakit answers ang nakasulat?

Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

==========================

SIOPAO

Kulas: Miss, isa ngang siopao… ‘yung babae.

Waitress: Babaeng siopao po?

Kulas: Oo. ‘Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.

Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki lang po ang nandito.

Kulas: Lalaki?

Waitress: Kasi po, may itlog sa loob.

==========================

A Chemistry teacher asked a sexy student, “What are NITRATES?

The student replied shyly, “Ma’am, sa motel po. NITRATES are higher than day rates!”

==========================

Usapan ng dalawang mayabang…

Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.

Diego: Alam ko.

Tomas: Ha? Paano mo nalaman?

Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

==========================

Jose: Kumusta ang assignment?

Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.

Jose: Naku, ako rin! Paano ‘yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

==========================

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly
gaya ng tatay ko!

Juan: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng tatay mo?

Toto: Hindi! ‘Yan din ang pangarap niya!

==========================

Dok: May taning na ang buhay mo.

Juan: Wala na po bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?

Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.

Juan: Bakit po, gagaling po ba ako ru’n?

Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa mabuhay!

==========================

Pedro: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?

Kulas: Diyos ko naman! Di mo ba alam ‘yun?! Ang H2O ay water! At ang CO2… cold water…

==========================

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.

Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang

sabihin kung may basketbol sa langit. Naunang namatay si Andres.

Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Andres.

“Ikaw ba ‘yan, Andres?” usisa ni Rodel.

“Oo naman!” tugon ni Andres.

“Parang hindi totoo!” bulalas ni Rodel. “O, ano, meron bang basketbol sa langit?”

Sagot ni Andres, “May maganda at masama akong balita sa ‘yo.

Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama…

kasali ka sa makakalaban namin bukas!”

==========================

Usapan ng dalawang bata…

Junior: Magaling ang tatay ko! Alam mo, ‘yang Pacific Ocean , siya ang humukay nun!

Pedrito: Wala ‘yan sa tatay ko! Alam mo, yung Dead Sea ?

Junior: Oo…

Pedrito: Siya ang pumatay nun!

==========================

Stewardess: Do you want a drink, sir?

Sir: What are my choices?

Stewardess: Yes or No.

==========================

Misis: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway! Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na ‘to!

Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa ‘yo!

==========================

Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsasabi. Nahihiya ako…

Mister: Okey.

Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco.

Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.

Misis: Ha? Bakit mo alam?

Taga-Meralco: Nasa record nyo po.

Misis: Sasabihin ko ito sa Mister ko.

Mister: (Galit at nagpunta sa Meralco.) Bakit naka-record diyan na delayed ang misis ko?

Taga-Meralco: Kung gusto po ninyong mawala sa record, magbayad po kayo!

Mister: Eh kung ayokong magbayad?

Taga-Meralco: Puputulan po kayo!

Mister: Eh ano’ng gagamitin ng misis ko?

Taga-Meralco: Pwede naman po siyang gumamit ng kandila.

TOP Business Owned by PINOYS

1. Parlor in San Juan is named “Cut & Face”.

2. Wholesaler of balut in Sto.Tomas, Batangas: “Starduck” .

3. Fast food eatery in Nueva Ecija: “Violybee”

4. Internet cafe opened among squatters named “Cafe Pindot”.

5. In Manila , there’s a laundry place named, “Summa Cum Laundry”.

6. Petshop in Ortigas: “Pussies and Bitches”.

7. A pet shop in Kamuning: “Pakita Mo Pet Mo”.

8. Bakery: “Bread Pit”.

9. Bank in Alabang: “Alabank” .

10. Restaurant in Pampanga named, “Mekeni Rogers”.

11. Restaurant in Pasig : “Johnnny’s Fried Chicken: The ‘Fried’ of Marikina”.

12. A boxing gym: “Blow Jab”.

13. A tombstone maker in Antipolo: “Lito Lapida”.

14. A copy center in Sikatuna Village called “Pakopya ni Edgar”.

15. A beerhouse in Cavite called, “Chickpoint” .

16. Laundromat in Sikatuna: ” Star Wash : Attack of the Clothes”.

17. Internet cafe in Taguig named, “n@kopi@ “.

18. Name of a kambingan, “Sa Goat Kita”.

19. A salon somewhere, “Curl Up And Dye”.

20. A lugawan in Sta. Maria, Bulacan: “Gee Congee”.

21. A water refilling station in Dapitan named “Wa-Thirst” .

22. A store selling feeds for chickens: “Robocock” .

23. Shoe repair in Marikina : “Dr. Shoe-Bago”.

24. Shoe repair store along Commonwealth, “SHOEPERMAN: we will HEEL you, save your SOLE, and even DYE for you”.

25. Petshop: “Petness First”

26. Flower shop: “Susan’ s Roses”.

27. Taxicab: “Income Taxi”.

28. A 2nd hand watch store: “2nd Time Around”.

29. A squid stall in a wet market: “Pusit to the Limit”.

30. A shrimp store: “Hipon Coming Back”.

31. A gay lawyer’s extension office: “Nota Republic “.

32. A ceiling installer: ” Kisame Street”.

33. A car repair shop: “Bangga ka ‘day?”

34. An aquatic pet store in Malolos: “Fish Be With You”.

35. A fishball cart named, “Poke Poke”.

36. A beauty salon: “Saudia Hairlines”.

37. A bakery: “Anak Ng Tinapay”.

38. A resto along Mayon road in Manila : “May Lisa Eatery”.

39. Laundry shop: “Wash Your Problem”.

40. This mobile massage business name isn’t funny, but
their slogan is: “Asian Mobile Massage Service: Massage only, God is watching”.

41. Ice cream parlor: “Dila Lang Ang Katapat”.

42. Chicharon store: “Chicha Hut”.

43. Neighborhood pizza store: “Pizza Hot”.

44. A fishball cart near UST: “Eat My Balls”.

45. A barbershop in Cagayan de Oro: “Pinoy Big Barber”.

46. A Resto: “The Last Supper”.

47. A goto resto: “Goto Ko Pa!”

48. A peanut vendor’s cart with a funny name: “Mani ni Papa”.

49. A gym in Malolos: ” Gaymann Fitness Center “.

50. My brother’s party needs business: “Balloon- Balloonan” .

51. A Chinese restaurant in Pasig : “Lah-Fang”.

52. A store selling fresh chicken, owned by woman named Dina: “Dina Fresh Chicken”.

53. An actual bait and tackle shop in U.S. : “The Master Baiter”.

54. Panaderia: “Trimonay Bakeshop”.

55. Salon: “Hair Dot Comb”.

AT ANG PINAKAMATINDI SA LAHAT! ANG PABORITONG TINDAHAN SA LOOB NG P.U.P.! ANG KINAKAINAN NG AGAHAN AT TANGHALIAN! ANG BILIHAN NG YOSI! ANG INUMAN NG PEPSI, 7-UP, MOUNTAIN DEW, MIRINDA at COBRA! ANG TINDAHAN NA PAGMAMAY-ARI NI AZON AT NI MEL. ANG..

MEL/AZON

PEKPEK RESTAURANT … (not for minors)

mga pinag halo-halong pagkaing pinoy..
matatagpuan sa..
PEKPEK restaurant

TAPSILOG-Tapa, Sinangag, Itlog
LONGSILOG-Longganisa, Sinangag, Itlog
HOTSILOG-Hotdog, Sinangag, Itlog
PORKSILOG-Pork, Sinangag, Itlog
CHICKSILOG-Chicken, Sinangag Itlog
AZUCARERA-Adobong Aso
LUGLOG-Lugaw, Itlog
PAKAPLOG-Pandesal, Kape, Itlog
KALOG-Kanin, Itlog
PAKALOG-Pandesal, Kanin, Itlog
MAALOG NA BETLOG-Maalat na Itlog, Pakbet, Itlog
BAHAW-Bakang Inihaw (akala ninyo kaning lamig ano)
KALKAL-Kalderetang Kalabaw
HIMAS-Hipon Malasado
HIMAS SUSO-Hipon Malasado, Sugpo, Keso
HIMAS PEKPEK-Hipon Malasado, Kropek, Pinekpekan
PEKPEK MONG MALAKI-Kropek, Pinekpekan, Monggo, Malasado, Laing, Kilawin
DILA-Dinuguan, Laing
DILAAN MO-Dinuguan, Laing, Dalandan, Molo
BOKA BOKA-Bopis, Kanin, Bokayo, Kape
BOKA BOKA MO PA-Bopis, Kanin, Bokayo, Kape, Molong Pancit
KANTOT-Kanin, Tortang Talong
KANTOT PA-Kanin, Tortang Talong, Pancit
SIGE KANTOT PA-Sinigang na Pige, Kanin, Tortang Talong, Pancit
SIGE KANTOT PA IBAON MO-Sinigang na Pige, Kanin, Tortang Talong, Pancit – Take out
SIGE KANTOT PA HA-Sinigang na Pige, Kanin, Tortang Talong, Pancit, Halo-halo
SIGE KANTOT PAIBAON MO PAPA-Sinigang na Pige, Kanin, Tortang Talong, Pancit… Take out with Ketchup
PAKANTOT-Pandesal, Kanin, Tortang Talong
PAPAKANTOT-Papaitan, Kanin, Tortang Talong
PAPAKANTOT KA BA-Papaitan, Kanin, Tortang Talong, Kapeng Barako
PAKANTOT SA YO-Pandesal, Kanin, Tortang Talong, Saging at Yosi
PAKANTOT KA-Pandesal, Kanin, Tortang Talong, Kape
PAKANTOT KA HABANG MATIGAS PA-Pandesal, Kanin, Tortang Talong, Kape, Inihaw na Bangus, Maruya, Tinola, Ginisang Aso, Pancit
SUBO-Sugpo, Bopis
SUBO MO-Sugpo, Bopis, Molo
SUBO MO PA-Sugpo, Bopis, Molo, Pancit
SUBO MO PA MAIGE-Sugpo, Bopis, Molo, Mais, Pige
SUBO MO TITE KO-Sugpo, Bopis, Tinola, Teryaki, Kochinta
SUBO MO TITE KO BILIS-Sugpo, Bopis, Tinola Teryaki, Kochinta, Bihon, Tawilis

buhay haiskul ko..

Sa isang malayong kaharian, may isang pangit na prinsipe na hindi pinagkalooban ng magandang mukha pero hindi siya ang bida sa kuwento ko. Ang pagtuunan natin ng pansin ay ang isang bata na ginigising na ng kanyang alarm clock.

Totototototototototot! Patay tayo diyan. Umaga nanaman. May pasok ka nanaman. (Hikab) Ginising ka ng alarm ng cellphone mo. Di mo maimulat ang mga mata mo sa kapal ng muta kasi napuyat ka kagabi kakanuod ng mga DVD. Tinalo mo pa si Kuya Germs at si David Letterman sa pagpupuyat.

Lagot ka, ayan na ang mama mo.

“Bangon na! Baka ma-late ka nanaman! Ayokong pipirma sa attendance sheet niyo kasi may late ka.”

Madilim-dilim pa kaya hihirit ka pa ng mga sampung minuto at hihintayin ang pagbubukang liwayway para lang bumangon. Buhay na ang diwa mo. Maya-maya habang nag-aalmusal e umiral nanaman ang katamaran mo.

“Mommy, parang nahihilo ata ako. Masakit ulo ko kasi napuyat ako kagabi kakagawa ng project. Sakit pa ng katawan ko. Pati sinisipon ako. Nanlalambot ako.”

Pati ata buhok mo e sumasakit na din. Tama na, lumang istilo na yan. Laos na raket mo. Sa madaling salita e mapipilitan ka ding pumasok.

Nasa labas ka na ng iyong pinakamamahal na paaralan. Habang papalapit na sa gate e nararamdaman mo na kinakanta na ang pambansang awit kaya tumayo ka ng matuwid at nilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Pagkatapos ng pambansang awit ay hindi ka na nag-recite ng Panatang Makabayan at ng Mission Statement ng inyong paaralan at pinagpatuloy mo na lang ang paglalakbay mo patungong classroom at maya-maya pa e hinarang ka ng mga estudyanteng naka-bihis sundalo o mga CAT officers. Late ka na daw! Siyempre ayaw mong magkaroon ng record na late kaya dinepensahan mo naman sarili mo.

“Nandito na ko bago pa tumugtog yung Lupang Hinirang!”

Nahabag sayo yung officer dahil sa award-winning mong pag-acting na puwede nang ilaban sa pag-arte ni Berting Labra sa pelikulang Pila Balde.

Pagpasok mo sa classroom e mistulang nasa talipapa. Ang inet! Abot singet! Hindi pa kasi binubuksan yung aircon. Nagkakagulo ang mga kaklase mo! Parang may Royal Rumble! Para silang nanunuod ng laban ni Undertaker at Batista sa Wrestlemania. Pag-upo mo sa upuan mo e saktong binuksan na ang aircon kaya medyo nawala ng konti ang sungit ng mukha mo.

First period na. Pumasok na si Ms. ‘Araling Panlipunan’ bitbit ang limpak-limpak na visual aids. Ayos naman magturo kasi ‘relax’ lang. Parang pumepetix ka lang. Enjoy naman kahit medyo inaantok ka. Natapos na ang first period na may panis na laway ka sa pisngi mo. Nakatulog ka pala. Ayos lang, nabawasan naman ang antok mo kahit papaano. Naisipan mong mag-CR para magbawas (hindi tumae). Habang pababa ng hagdan e may nahawakan kang malagkit sa rail ng hagdan na inakala mong gel para sa buhok pero pag-amoy mo e amoy laway. Biktima ka ng plema gang kaya maghugas ka ng kamay ng mabuti. Pagpasok ng CR e sari-saring mga ‘vandal’ ang makikita mo tulad ng “HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN” na hindi mo alam kung ano yung kinabukasan ng bayan na tinutukoy ng nagsulat nun.

Pagbalik mo ng classroom e nakita mong sa labas naka-tambay yung mga kaklase mo. Hindi mo maintindihan kung bakit sa labas pa sila tumatambay e kung mas malamig naman sa loob kasi may air con. Napaisip ka tuloy. “May nagaganap kayang pot session?”

Second subject na. Si Mrs. ‘Physics’ na. Pinababa kayo sa laboratory kasi may experiment kayo. Sa sobrang tuwa mo sa inyong experiment e nabagsak mo yung test tube at siyempre nabasag mo. Kawawa ka naman, tag-bayad ka nanaman. Matapos mong pumirma sa ‘statement of account’ e sa wakas, recess na.

Pagbaba mo sa canteen e katakot-takot na pila ang naabutan mo. Parang mga sasali sa Kwarta o Kahon ang mga tao. Madami sila. May kinder, grade 2, grade 6, 1st year hanggang 4th year high school. Halo-halong mga estudyante ang nasa canteen at halo-halo din ang amoy. Dahil sa nakasusulasok na sitwasyon e naisipan mo na lang na ‘wag ng kumain at mamburaot nalang para makatipid ka.

“Aba! Anak ng putang ama naman oh! Araw-araw ka nalang nambuburaot e!” hirit ng kaklase mong galit na galit na tila lalabasan na ng alupihan sa mukha dahil inubos na ng Kalabit Penge Gang ang baon niya. Kaya ayan ka…gutom.

Balik sa klase. “Magandang umaga! Makipag-palit ng inyong mga gawaing bahay sa katabi. Iwawasto natin ang mga ginawa niyo.” wika ni Mr. ‘Filipino’. Hala ka! Nakalimutan mong maghapit kaninang umaga, late ka kasi e. E pano yan? Instant homework ka nanaman. (Babala: WAG TULARAN) Ayos, perfect ka na sa gawaing bahay mo.

Next subject, ang pinaka-aantay mong guro na ang susunod. Si Ms. ‘P.E.’ Siya ang dahilan kung bakit wala ka pang absent sa subject niya. Abala ka sa pagkopya ng iniwang lecture ni Ms. ‘P.E.’ nang may narinig kang kakaibang tinig.

“OK class isten up.”

Parang may kakaiba. Pagtayo mo e ibang nilalang ang tumambad sa harapan mo at hindi yung cute na seksi na teacher na inaabangan mo. Mukang hindi nasa ayos ang feng shui mo ngayong araw na ito at hindi mo ata nabasa ang daily horoscope mo kaya napangiti ka nalang sa itsura ng substitute. Natawa ka kasi para siyang puwet na tinubuan ng mukha.

“Hey yu! Wat are yu laping at? Ikaw kaya dito!” sunget naman nito.

“OK class, time na. Pass your notebooks.” Sige, paspas sa pagsulat para makaabot!

“Hoy!!! Teka lang!!! Eto pa notebook ko!!!” Suwerte mo madami kayong hindi pa tapos. Sino ba namang hindi ma-uulol sa pagkopya ng lecture sa limang manila paper?

Inaantay niyo yung next subject pero sa tinagal-tagal ng pag-aantay mo e wala pala yung inaantay niyo kaya naisipan mo na lang na mag-lunch.

Suwerte mo maaga kang nakapag-lunch at wala pa masyadong nakapila sa canteen. Masarap ang pagkain. Solb. Hindi naman bitin. Kasama mong mag-lunch ang galante at mabait mong kaklase kaya nilibre ka pa niya ng siomai at ng iced tea. Swerte mo may nagmamahal sayo. At panibagong swerte nanaman kasi lalo kang nabusong dahil nakasalubong mo yung crush mo. Kahit hindi ka na kumain basta makita mo lang siya e mabubusog ka talaga.

Mahaba pa ang bakanteng oras kaya naisipan niyo munang mag internet sa computer shop ng paaralan niyo. Siyempre nagpalibre ka nanaman sa mabait mong kaklase. Bago na pala mga computer sa shop. LCD na yung monitor at mukhang mabilis na yung mga computer kaya nirentahan niyo naman. Ang hindi niyo alam e soooobrang bagal ng internet ngayong araw. Naubos lang ang pera at oras niyo sa loob ng shop kaya paglabas niyo e masungit na yung pangit niyong mukha.

Balik nanaman sa klase. Ang tagal ng oras. Naiimbiyerna ka na kasi gusto mo nang umuwi. Paglabas ng last period na si Mr. ‘Technology ang Livelihood Education’ e nagtatalon ka sa sobrang tuwa dahil makakauwi ka na pero hinarang ka ng isang kilalang mukha. “Hoy! Cleaners tayo ngayon!”

Hindi ka makakatakas kasi dumating na si adviser kaya walis dun, mop dito, punas ng blackboard na green, tapon ng basura at habang naglilinis ka e samu’t-saring mga tinig ang nadidinig mo.

“Yung hindi naman cleaners e lumabas na!! Nakakagulo lang kayo!! Ano ha?!”

“Hoy! Yung group 3 sa English! Gagawa tayo ng research paper bukas!”

“Classmates, may !@#$%^& ﻠﻲﻉﻧ ﺾﺱﺦﻖ ﻏﺻﺩﻅ ☼♀♂ ♫∑Ω ₧←ф…!!”

Kung anu-ano na lang ang naririnig mo sa classroom. Tapos ka na maglinis. Sa wakas e talagang makakauwi ka na. Paglabas mo ng gate e naamoy mo ang masarap na bopis kaya bumili ka at sinamahan mo pa ng malamig na gulaman. Ayos! Solb! Nakita mo ang mga ka-barkada mo at nagyaya silang mag-Counter-Strike. Naubos nanaman ang allowance mo kakalaro. Kaya magpapalibre ka nanaman sa mabait at galante mong kaklase. Di pa tapos, nakita mo pa yung mga kabanda mo, may jamming daw kayo kaya tumugtog ka muna. Pag-uwi mo e naalala mo pala na tambak ka ng mga projects at assignments kaya naisipan mo na lang manood ng Bakekang.

Araw-araw nalang na ganito ang laging nangyayari sayo. Hindi mo namalayan e nakatapos ka na pala ng pag-aaral. Sa sandaling ito, makikita mo na lang ang iyong sarili na nagbabasa ng isang kuwento tungkol sa mga karanasan mo sa pag-aaral at hindi mo namamalayan na tapos na pala yung istorya. Schwing!

on the job eating

matagal din ako naghanap ng trabaho ngaung summer. dapat nga summer job.. nasa CLEAN CUT na blog ko yung istorya ng paghahanap namin ng tabaho.. at ngayon.. at di pala ngayon.. nung linggo pala. haha.. nung linggo…

tinex na ko ng makdo para pumunta sa makdo el pueblo para sa aking interview at exam at magdala daw ako ng updated resume at 2×2 picture at hanapin si malou at si pam.. ayun.. di ko pa alam gagawin ko kasi hindi na summer job ang hanap ko.. rainy season job na o kaya pasukan job.. pero napilit din ako ni mama na subukan lang ang summerjob.. kaya.. pupunta na ko.. kaso.. SAN BA YUNG EL PUEBLO? .. sabi sa likod lang daw ng megamall at podium at st. francis square pero nagtanong pa din ako ke rachel kung saan yung el pueblo.. akala ko nga sa mexico pa yun e.. sabi nya di nya daw matandaan at tumingen nalang ako sa google earth.. edi ginawa ko yun.. at nalaman ko na sa may megamall lang nga. haha

naghanda na ko. nag ahit ng bigote at balbas.. nagpa picture ng 2×2 (gusto humingi ni rachel.. haha) at nag update ng resume.. at nagpahinga..

may 27, 2008

araw na ng interview at exam. 3am na ata ako nakatulog dahil sobrang excited.. nagising ako ng 6am tapos umalis ng bahay.. ay dumaan pa pala ako antipolo kasi sabay kami ni rachel papasok.. nagpaturo din ako kung ano ang dapat kong sakyan at kung saan bababa.. hanggang sa mag-isa na lang ako at nagbibigay ng moral support si rachel (salamat gurl!)..

natatanaw ko na.. ang shangri la.. at lakad pa din ng lakad at natatanaw ko nang talagang talaga… ang megamall.. at madaming tao ever ever.. ang aga mag-malling! haba ng pila.. at natatanaw ko na talagang talagang talaga.. ang st. francis square na hindi naman square.. at nakita ko din ang el pueblo at makdo.. pumasok na ko. parang walang mga applicants.. pero sabi nung kuya nasa taas daw.. tapos nung umakyat na ko.. “!@$#@$^@$!!!!!” daming tao!!! akala ko nasa audition ako ng makdonalds idol e. haha, tapos nagtanong ako dun sa isang kuyang me nunal kung dun nga yung audition.. ay interview at exam pala.. sabi nya dun na at kumuha daw ako ng upuan.. tinawag na batch namin at nag-exam na.. nakilala ko si miss malou at miss pam.. tga makdo pala sila. haha, exam na.. kaharap ko magexam yung kuyng may nunal at tanong sya ng tanong sakin at sinasagot ko naman.. tapos na exam at pinabalik kami ng 11:30am.. tumambay muna ko sa may underground parking at mag bmw na silver sa harap ko.. sarap mangarap.. nakatambay ako habang tinetex si rachel.. tapos.. ok na.. pede na tignan yung resulta.. at kinakabahan ako.. di na ko nagexpect na makita pangalan ko pero nakita ko.. ang lake at ang haba! RENZ JEROME VILLANUEVA.. haha. tinanong nung kuyang may nunal kung andun daw pangalan ko sabi ko nandun tapos wala pangalan nya.. huhu. ingat sa paguwe kuya..

1:30pm – interview

pero bago to e kumaen muna ko. nag adventure pa ko sa megamall kasi trip ko dun kumaen.. puno na kasi sa makdo kaya naisip ko na mag megamall.. at natripan ko din kumaen sa foodcourt.. at parang gusto ko kumaen ng lechon! pero dahil wala ako dusget e nagchiken nalang ako.. KIPPS chiken. haha.. at bumalek na ko sa el pueblo para sa interview.

interview na. may mga late pa din na nag exam.. 1pm na sila dumating kahit na 10am yung calltime. haha. amp.. ayun. nag antay ako hanggang 4:30pm.. kasama ko din nag aantay yung ibang applicants tapos nagtanong ako sa katabi ko kung anung ginagawa nung dalawang kuya sa isang table.. tapos nanaman interview nila ayaw pang umalis.. waaa.. bigla na dumating si miss pam at tinawag ako.. kinakabahan ako baka kasi magkalat ako sa interview pero cool siya at mabait.. pwede magtagalog sa pagsasagot sa kanya.. taglish nga sagot ko e.. di gaya dun sa una naginterview samin na niregla ilong namin kaka-english.. ahaha.. dami nya tanong.. at madami din akong sagot.. at hanggang sa sabi nya na sumama daw ako sa nakatambay dun sa isang mesa.. sinamahan ko na yung tambay boys.. yun pala.. pasado na ko sa interview! yey! tinex ko agad si rachel YOW para ipaalam yun.. at para ilibre ko sya ng icecream bilang treat..at para sabay na din kami uwi. ahaha.. inaantay nalang daw namin sked ng magiging OJE.. or On the Job EATING daw sabi ni rachel.. haha. on the job evaluation yun – yung ittry namin mga ginagawa ng crew ng makdo at bla bla bla..

nakipagkwentuhan ako sa mga tambay boys.. at nalaman ko na mga tiga RIZAL din pala sila.. isa tiga taytay, isa tiga angono at isa tiga san mateo.. yung isang kuya e sa malayo nakatira.. sa mandaluyong ata.. haha. tapos kinausap na kami ni miss pam para sa OJE sked namen at sabi nya na magpagupit daw ako at mag ahit ng bigote at balbas.. haha

uwi na kame. humiwalay na yung iba.. kaming apat na lang ng mga RIZAL boys ang magkakasama.. dadaan muna kami megamall para malamig tapos e pupunta na ng edsa central para sumakay pauwi at antayin si rachel yow.. habang pababa ng escalator e nagtanungan kami ng pangalan.. at eto pangalan nila

ADAN – tiga taytay at nag-aaral sa ncba taytay
ADRIAN – tiga angono at hindi na nag-aaral kasi tapos na
ALVIN – nakatira sa san mateo at hindi ko natanong kung san nagaaral..

asteg! puro sila “A” .. magandang balita to kay ana abary.. mga type nun e puro A ang pangalan. hahaha. (hi ana!) ayun.. habang nagtatanungan kami ng number e biglang dumaan sa harap namin si kim chiu.. tapos tul– “WAW SI KIM CHIU!” nataranta kami kasi naman… ang ganda nya.. kahit na pangalawang beses ko nya nakita sa personal e maganda pa din! ahaha.. sinundan namen sila kaso umakyat e.. tapos umuwi na kami.. ay sila lang pala.. inantay ko pa si rachel yow sa me mini stop.. tapos dumateng na si rachel yow at nag icecream kami at umuwi na kami.. pero di pa dun nagtatapos.. biglang umulan ng malakas.. kailangan nyang iligtas ang kanyang laFtaF, at nahulog pa selpon nya pero binigyan naman ako ng baller na me bungo.. SALAMAT junjun.. hahaha.. at nagpaalam na kami sa isa’t-isa at umuwi na.. pero di pa din nagtatapos! malakas ang ulan.. kailangang makauwi agad.. mabasa na ko lahat -lahat, wag lang yung envelope ko.. waaa!!! at naalala ko si rachel.. wala syang payong! waaaAAA! at nag-alala ako… nabasa sya.. pero naging ok na lahat.. di na nagreply e.. at makikita ko nalang ang sarili ko na nagty-type ng blog tungkol sa experience ko ngayong araw at tatapusin ko na ito..

clean cut

ahem. ehem. isa tong istorya tungkol sa buhok ko. ahaha. matagal din kasi pinagsamahan namin e. mahigit 2

years na. bale dito nagsisimula ang istorya..

nung highschool pa lang ako e required samen ang 2×3 CEALN CUT na buhok. lahat ng school e required ng ganto. kaso nababadtrip ako pag nagpapagupit ako sa barbero o sa bakla. nangangati kasi ako pagkatapos ko magpagupit. kaya ayaw na ayaw ko nagpapagupit. isa pa.. mas nagmumuka akong tanga pag bagong haircut tapos aasarin ka pa ng mga kaklase ko na “UY BAGONG TASA!”. ano ako lapis? sulatan ko kayo e..

2nd year ako. nagkaron ako banda. dati ko na kasi gusto magkaron ng banda. edi nahilig ako magbanda tapos nanunuod din ako ng mga video nila na may mga long hairs at naghheadbang at headspin. sabi ko sa sarili ko:

“may banda ko. masubukan nga to minsan.. di ako magpapagupet.” … rockers. haha

tapos na ang 3rdyear.. buong bakasyon ako di nagpagupet.. at di pala ganun kadali magpahaba ng buhok.

tangnang yan. maiirita ka sa pagtulog kasi summer tapos may sumasabit-sabit sa tenga mo.. ganun pala yun..

pero di pa din ako nagpapigil.. 1st day ng 4th year.. pumasok ako na long hair ako. natatakpan na tenga ko.

1st day ng 4th year, may kaso agad ako.. improper haircut. haha. tigas no? tapos nun nagpagupet na ko. nagmuka na ulet akong tao..tumagal tagal ang 4thyear at nalalapt na ang graduation ball. sabi ni mama magpagupet adaw ako para magmuka akong TAO. yun.. nagpa parlor naman ako at sabi ko na wag ako masyado gupitan ng buhok at promise ko na last time ko na yung na magpapagupet ako. hanggang sa..

1styear college.. di na talaga ako nagpagupet. sa kadahilanang tinatamad ako pumunta sa barbero at gusto ko

talaga magpahaba ng buhok para masubukang mag-headbang at para makatipid ng pera sa pagpapagupet.. at mas mahaba ang buhok ko kesa sa accounting prof. namen. yeah!

umabot sa 2nd year college e hindi pa din ako nagpapagupet.. mas mahaba na buhok ko sa mga kaklase kong lalake at ibang babae. tinatanong nga nila kung kelan daw ako magpapagupet..

classmate:     “rj. bakit ayaw mo pa magpagupet?”
rj:                  “wala kasi ako pera pampagupet”
classmate:     “ay ganun ba…rj, haba na ng buhok mo.. kelan ka magpapagupet?”
rj:                  “pag nagka-trabaho na! haha!”
classmate:     “ah.. e rj.. kelan ka magkakatrabaho?”
rj:                  “pag nagpagupet na ko..”
classmate:     “ay ganun ba rj.. e kasi #$%#$^@#$^#$@&$#—”
rj:                  ” ,,l,,”

ayun. pero naisip ko na yun. pano kung maghahanap na ko ng trabaho? edi magpapagupet na ko? waaaa. napansin ko din yung ibang schoolmate namen na longhair dati tapos bagong tass na din.. magiging katulad kaya nila ako?.. matatasahan ba ulit ako?.. di ko alam. sanay na kasi mga kaklase ko na ganto itsura ko.. hanggang sa..

malapet na magbakasyon. summer na. uso na din ang summerjob at tuli.. tuli na ko kaya summerjob nalang

hahanapin ko.

1st stop

kasama ko ang isang kaibigang pangalan ay Rachel. hanap kami trabaho sa Gilmore at sa Cubao pero wala din kame nakita. naghanap ako sa internet ng mga pedeng tarbaho.. at nakita ko na pede pala magtrabaho kahit long hair.. edi di muna ko papagupet! yey!

2nd stop

nagyaya ang isang kaklase sa makati para magjob hunting. kasama ko ulet si Rachel at di pa din ako nagapapagupet. pero bago yun, di pa din ako nagpapagupet at nagpasa kame sa email ng isang professor na si ser glenn ng resume na nagbabaka-sakali na matanggap sa trabaho.. sa kasamaang palad.. tinawagan si Rachel at pinapapunta sa globe kinabukasan.. ako naman ay umaasa pa na matawagan.. hanggang ngayon.. pero sumama pa din siya sa amin na maghanap ng trabaho sa makati at hindi pa din ako nagpapagupet. madame kaming
pinuntahan.. ininterview pa nga kame sa isang kumpanya at umasa na matatanggap pero wala dun ang kapalaran namin. hanggang sa sumuko na kami at nagutom at naglibot sa Makati at pumunta sa Glorietta at kumain sa Tokyo!Tokyo! at sumakay na ng MRT at sumaba ng Shaw at naiwan si Lesly sa MRT at naglibor kami ni Rachel sa Shang at pumunta na ng EDSA Central pero dumaan muna sa Mini Stop at sa BookSale at sumakay ng jeep pauwi at nasa bahay na kami.. teka bat nasa bahay din si Rachel?! hihi.. basta yun na yun.. 3rd day na!

3rd stop

ayoko na humanap ng trabaho. nawalan na ko ng gana. pero biglang nagtex si rachel na pupunta na daw siya sa boni at wala syang kasama.. ang balak ko talaga ay samahan lang sya pero napilit din ako ni kaibigang Lesly para humanap ng trabaho sa Mecalco sa Ortigas kasama si kaibigang Chinne at isa pang classmate. sa kasamaang palad, habang inaantay ako ni Rachel sa Antipolo ay naiwan niya ang kanyang resume sa bahay, di niya alam gagawin niya at di ko din alam gagawin ko.. Nagpasundo nalang sya kay Tito Jimmy..si papa nya para dalhin ang resume nya at ihatid na din sya Globe sa Boni. Pumunta ako mag-isa sa Meralco pero sa kasamaang palad nanaman ay di pala sila tumatanggap ng summerjob hanggang sa pumunta nalang kami sa Makati at bla bla bla bla.. punta sa PLDT sa Boni pero wala pa din. Hanggang sa sumuko na kami. Oo nga pala, tanggap na pala talaga si Rachel sa Globe at simula na din ng kanyang trabaho.. kakaiyak.. wala ako trabaho. Iniwan ko na sila sa MRT, nagpalipas ako oras sa Robinson’s Pioneer at nagbaka-sakali makakita ng trabaho pero wala din. umupo nalang ako sa isang tabi at maiyak-iyak habang tinetex si Rachel.. nawawalan na ko pag-asa magkatrabaho. kumaen ako sa KFC at napansin ko ang mga crew doon.. naisip ko..

“pano kung mag-apply nalang akong crew ng fastfood.. sasama ko nalang kabanda ko.. si Justine!”

kaso.. aaply ka nga sa fastfood.. mahaba naman buhok mo. baka itaboy ka nila..

4th stop

umaga na. gumising ako gulo-gulo buhok ko..as usual naman e. sabi ni mama:

mama:         “anak, pagupit kana! di ka matatanggap sa trabaho nyan..”
rj:                “tama.. papagupet na ko para kahit sa fastfood muna e makapagtrabaho ako. tara!”
mama:        “talaga!?”
rj:               “ayaw mo?”
mama:        “tara!”

pumunta na ko parlor. at ang naggupit sakin ay yung dating nag gugupit sakin na si ate.. ay.. KUYA manilyn.. sinimulan na ang paghuhukom. CLEAN CUT na ko.. at dito nagtatapos ang istorya ng buhok ko. bitin ba?

imo or emo?

emo, emo, emo. puro kayo emo. lahat na ata ng tao ngayon e emo. sunod naman sa uso. di na ata “rock” tawag e. “emo” na.

pati ba naman mga bandang gaya ng valley of chrome, saydie at flyleaf e tinawag nang emo. nakakita lang ng one-sided na hairstyle na me mahabang bangs sasabihin nila hairstyle nila “emo”.

pananamit “emo”. sapatos “emo”. accessories “emo”. kulang nalang pati magulang nila “emo”. makakita lang ng itim o ng pula emo agad.. pag nakakita ch checkered e emo na din..

sa prenster profile din “emo”… tanginang yan… mamaya pag me bago nanaman nauso hindi na sila “emo”… baka “imo” na sila… pag me nakitang nakaitim sasabihin “rakista” na sila o “pankista”… tangina naman nila…

lahat naka geek glasses para matawag na “emo”… pag nakarinig ng bagong tugtog sa pandinig nila kahit na luma na yung kanta “eemohin” pa din niyang mga putangnang yan… pag naman tutugtog e wala namang alam kundi narda…

akala mo naman alam nila lahat tapos ganun sila kagaling tumugtog.. amp

nakakayamot diba? kaw emo ka na?