ahem. ehem. isa tong istorya tungkol sa buhok ko. ahaha. matagal din kasi pinagsamahan namin e. mahigit 2
years na. bale dito nagsisimula ang istorya..
nung highschool pa lang ako e required samen ang 2×3 CEALN CUT na buhok. lahat ng school e required ng ganto. kaso nababadtrip ako pag nagpapagupit ako sa barbero o sa bakla. nangangati kasi ako pagkatapos ko magpagupit. kaya ayaw na ayaw ko nagpapagupit. isa pa.. mas nagmumuka akong tanga pag bagong haircut tapos aasarin ka pa ng mga kaklase ko na “UY BAGONG TASA!”. ano ako lapis? sulatan ko kayo e..
2nd year ako. nagkaron ako banda. dati ko na kasi gusto magkaron ng banda. edi nahilig ako magbanda tapos nanunuod din ako ng mga video nila na may mga long hairs at naghheadbang at headspin. sabi ko sa sarili ko:
“may banda ko. masubukan nga to minsan.. di ako magpapagupet.” … rockers. haha
tapos na ang 3rdyear.. buong bakasyon ako di nagpagupet.. at di pala ganun kadali magpahaba ng buhok.
tangnang yan. maiirita ka sa pagtulog kasi summer tapos may sumasabit-sabit sa tenga mo.. ganun pala yun..
pero di pa din ako nagpapigil.. 1st day ng 4th year.. pumasok ako na long hair ako. natatakpan na tenga ko.
1st day ng 4th year, may kaso agad ako.. improper haircut. haha. tigas no? tapos nun nagpagupet na ko. nagmuka na ulet akong tao..tumagal tagal ang 4thyear at nalalapt na ang graduation ball. sabi ni mama magpagupet adaw ako para magmuka akong TAO. yun.. nagpa parlor naman ako at sabi ko na wag ako masyado gupitan ng buhok at promise ko na last time ko na yung na magpapagupet ako. hanggang sa..
1styear college.. di na talaga ako nagpagupet. sa kadahilanang tinatamad ako pumunta sa barbero at gusto ko
talaga magpahaba ng buhok para masubukang mag-headbang at para makatipid ng pera sa pagpapagupet.. at mas mahaba ang buhok ko kesa sa accounting prof. namen. yeah!
umabot sa 2nd year college e hindi pa din ako nagpapagupet.. mas mahaba na buhok ko sa mga kaklase kong lalake at ibang babae. tinatanong nga nila kung kelan daw ako magpapagupet..
classmate: “rj. bakit ayaw mo pa magpagupet?”
rj: “wala kasi ako pera pampagupet”
classmate: “ay ganun ba…rj, haba na ng buhok mo.. kelan ka magpapagupet?”
rj: “pag nagka-trabaho na! haha!”
classmate: “ah.. e rj.. kelan ka magkakatrabaho?”
rj: “pag nagpagupet na ko..”
classmate: “ay ganun ba rj.. e kasi #$%#$^@#$^#$@&$#—”
rj: ” ,,l,,”
ayun. pero naisip ko na yun. pano kung maghahanap na ko ng trabaho? edi magpapagupet na ko? waaaa. napansin ko din yung ibang schoolmate namen na longhair dati tapos bagong tass na din.. magiging katulad kaya nila ako?.. matatasahan ba ulit ako?.. di ko alam. sanay na kasi mga kaklase ko na ganto itsura ko.. hanggang sa..
malapet na magbakasyon. summer na. uso na din ang summerjob at tuli.. tuli na ko kaya summerjob nalang
hahanapin ko.
1st stop
kasama ko ang isang kaibigang pangalan ay Rachel. hanap kami trabaho sa Gilmore at sa Cubao pero wala din kame nakita. naghanap ako sa internet ng mga pedeng tarbaho.. at nakita ko na pede pala magtrabaho kahit long hair.. edi di muna ko papagupet! yey!
2nd stop
nagyaya ang isang kaklase sa makati para magjob hunting. kasama ko ulet si Rachel at di pa din ako nagapapagupet. pero bago yun, di pa din ako nagpapagupet at nagpasa kame sa email ng isang professor na si ser glenn ng resume na nagbabaka-sakali na matanggap sa trabaho.. sa kasamaang palad.. tinawagan si Rachel at pinapapunta sa globe kinabukasan.. ako naman ay umaasa pa na matawagan.. hanggang ngayon.. pero sumama pa din siya sa amin na maghanap ng trabaho sa makati at hindi pa din ako nagpapagupet. madame kaming
pinuntahan.. ininterview pa nga kame sa isang kumpanya at umasa na matatanggap pero wala dun ang kapalaran namin. hanggang sa sumuko na kami at nagutom at naglibot sa Makati at pumunta sa Glorietta at kumain sa Tokyo!Tokyo! at sumakay na ng MRT at sumaba ng Shaw at naiwan si Lesly sa MRT at naglibor kami ni Rachel sa Shang at pumunta na ng EDSA Central pero dumaan muna sa Mini Stop at sa BookSale at sumakay ng jeep pauwi at nasa bahay na kami.. teka bat nasa bahay din si Rachel?! hihi.. basta yun na yun.. 3rd day na!
3rd stop
ayoko na humanap ng trabaho. nawalan na ko ng gana. pero biglang nagtex si rachel na pupunta na daw siya sa boni at wala syang kasama.. ang balak ko talaga ay samahan lang sya pero napilit din ako ni kaibigang Lesly para humanap ng trabaho sa Mecalco sa Ortigas kasama si kaibigang Chinne at isa pang classmate. sa kasamaang palad, habang inaantay ako ni Rachel sa Antipolo ay naiwan niya ang kanyang resume sa bahay, di niya alam gagawin niya at di ko din alam gagawin ko.. Nagpasundo nalang sya kay Tito Jimmy..si papa nya para dalhin ang resume nya at ihatid na din sya Globe sa Boni. Pumunta ako mag-isa sa Meralco pero sa kasamaang palad nanaman ay di pala sila tumatanggap ng summerjob hanggang sa pumunta nalang kami sa Makati at bla bla bla bla.. punta sa PLDT sa Boni pero wala pa din. Hanggang sa sumuko na kami. Oo nga pala, tanggap na pala talaga si Rachel sa Globe at simula na din ng kanyang trabaho.. kakaiyak.. wala ako trabaho. Iniwan ko na sila sa MRT, nagpalipas ako oras sa Robinson’s Pioneer at nagbaka-sakali makakita ng trabaho pero wala din. umupo nalang ako sa isang tabi at maiyak-iyak habang tinetex si Rachel.. nawawalan na ko pag-asa magkatrabaho. kumaen ako sa KFC at napansin ko ang mga crew doon.. naisip ko..
“pano kung mag-apply nalang akong crew ng fastfood.. sasama ko nalang kabanda ko.. si Justine!”
kaso.. aaply ka nga sa fastfood.. mahaba naman buhok mo. baka itaboy ka nila..
4th stop
umaga na. gumising ako gulo-gulo buhok ko..as usual naman e. sabi ni mama:
mama: “anak, pagupit kana! di ka matatanggap sa trabaho nyan..”
rj: “tama.. papagupet na ko para kahit sa fastfood muna e makapagtrabaho ako. tara!”
mama: “talaga!?”
rj: “ayaw mo?”
mama: “tara!”
pumunta na ko parlor. at ang naggupit sakin ay yung dating nag gugupit sakin na si ate.. ay.. KUYA manilyn.. sinimulan na ang paghuhukom. CLEAN CUT na ko.. at dito nagtatapos ang istorya ng buhok ko. bitin ba?
Filed under: Uncategorized | Tagged: hair