on the job eating

matagal din ako naghanap ng trabaho ngaung summer. dapat nga summer job.. nasa CLEAN CUT na blog ko yung istorya ng paghahanap namin ng tabaho.. at ngayon.. at di pala ngayon.. nung linggo pala. haha.. nung linggo…

tinex na ko ng makdo para pumunta sa makdo el pueblo para sa aking interview at exam at magdala daw ako ng updated resume at 2×2 picture at hanapin si malou at si pam.. ayun.. di ko pa alam gagawin ko kasi hindi na summer job ang hanap ko.. rainy season job na o kaya pasukan job.. pero napilit din ako ni mama na subukan lang ang summerjob.. kaya.. pupunta na ko.. kaso.. SAN BA YUNG EL PUEBLO? .. sabi sa likod lang daw ng megamall at podium at st. francis square pero nagtanong pa din ako ke rachel kung saan yung el pueblo.. akala ko nga sa mexico pa yun e.. sabi nya di nya daw matandaan at tumingen nalang ako sa google earth.. edi ginawa ko yun.. at nalaman ko na sa may megamall lang nga. haha

naghanda na ko. nag ahit ng bigote at balbas.. nagpa picture ng 2×2 (gusto humingi ni rachel.. haha) at nag update ng resume.. at nagpahinga..

may 27, 2008

araw na ng interview at exam. 3am na ata ako nakatulog dahil sobrang excited.. nagising ako ng 6am tapos umalis ng bahay.. ay dumaan pa pala ako antipolo kasi sabay kami ni rachel papasok.. nagpaturo din ako kung ano ang dapat kong sakyan at kung saan bababa.. hanggang sa mag-isa na lang ako at nagbibigay ng moral support si rachel (salamat gurl!)..

natatanaw ko na.. ang shangri la.. at lakad pa din ng lakad at natatanaw ko nang talagang talaga… ang megamall.. at madaming tao ever ever.. ang aga mag-malling! haba ng pila.. at natatanaw ko na talagang talagang talaga.. ang st. francis square na hindi naman square.. at nakita ko din ang el pueblo at makdo.. pumasok na ko. parang walang mga applicants.. pero sabi nung kuya nasa taas daw.. tapos nung umakyat na ko.. “!@$#@$^@$!!!!!” daming tao!!! akala ko nasa audition ako ng makdonalds idol e. haha, tapos nagtanong ako dun sa isang kuyang me nunal kung dun nga yung audition.. ay interview at exam pala.. sabi nya dun na at kumuha daw ako ng upuan.. tinawag na batch namin at nag-exam na.. nakilala ko si miss malou at miss pam.. tga makdo pala sila. haha, exam na.. kaharap ko magexam yung kuyng may nunal at tanong sya ng tanong sakin at sinasagot ko naman.. tapos na exam at pinabalik kami ng 11:30am.. tumambay muna ko sa may underground parking at mag bmw na silver sa harap ko.. sarap mangarap.. nakatambay ako habang tinetex si rachel.. tapos.. ok na.. pede na tignan yung resulta.. at kinakabahan ako.. di na ko nagexpect na makita pangalan ko pero nakita ko.. ang lake at ang haba! RENZ JEROME VILLANUEVA.. haha. tinanong nung kuyang may nunal kung andun daw pangalan ko sabi ko nandun tapos wala pangalan nya.. huhu. ingat sa paguwe kuya..

1:30pm – interview

pero bago to e kumaen muna ko. nag adventure pa ko sa megamall kasi trip ko dun kumaen.. puno na kasi sa makdo kaya naisip ko na mag megamall.. at natripan ko din kumaen sa foodcourt.. at parang gusto ko kumaen ng lechon! pero dahil wala ako dusget e nagchiken nalang ako.. KIPPS chiken. haha.. at bumalek na ko sa el pueblo para sa interview.

interview na. may mga late pa din na nag exam.. 1pm na sila dumating kahit na 10am yung calltime. haha. amp.. ayun. nag antay ako hanggang 4:30pm.. kasama ko din nag aantay yung ibang applicants tapos nagtanong ako sa katabi ko kung anung ginagawa nung dalawang kuya sa isang table.. tapos nanaman interview nila ayaw pang umalis.. waaa.. bigla na dumating si miss pam at tinawag ako.. kinakabahan ako baka kasi magkalat ako sa interview pero cool siya at mabait.. pwede magtagalog sa pagsasagot sa kanya.. taglish nga sagot ko e.. di gaya dun sa una naginterview samin na niregla ilong namin kaka-english.. ahaha.. dami nya tanong.. at madami din akong sagot.. at hanggang sa sabi nya na sumama daw ako sa nakatambay dun sa isang mesa.. sinamahan ko na yung tambay boys.. yun pala.. pasado na ko sa interview! yey! tinex ko agad si rachel YOW para ipaalam yun.. at para ilibre ko sya ng icecream bilang treat..at para sabay na din kami uwi. ahaha.. inaantay nalang daw namin sked ng magiging OJE.. or On the Job EATING daw sabi ni rachel.. haha. on the job evaluation yun – yung ittry namin mga ginagawa ng crew ng makdo at bla bla bla..

nakipagkwentuhan ako sa mga tambay boys.. at nalaman ko na mga tiga RIZAL din pala sila.. isa tiga taytay, isa tiga angono at isa tiga san mateo.. yung isang kuya e sa malayo nakatira.. sa mandaluyong ata.. haha. tapos kinausap na kami ni miss pam para sa OJE sked namen at sabi nya na magpagupit daw ako at mag ahit ng bigote at balbas.. haha

uwi na kame. humiwalay na yung iba.. kaming apat na lang ng mga RIZAL boys ang magkakasama.. dadaan muna kami megamall para malamig tapos e pupunta na ng edsa central para sumakay pauwi at antayin si rachel yow.. habang pababa ng escalator e nagtanungan kami ng pangalan.. at eto pangalan nila

ADAN – tiga taytay at nag-aaral sa ncba taytay
ADRIAN – tiga angono at hindi na nag-aaral kasi tapos na
ALVIN – nakatira sa san mateo at hindi ko natanong kung san nagaaral..

asteg! puro sila “A” .. magandang balita to kay ana abary.. mga type nun e puro A ang pangalan. hahaha. (hi ana!) ayun.. habang nagtatanungan kami ng number e biglang dumaan sa harap namin si kim chiu.. tapos tul– “WAW SI KIM CHIU!” nataranta kami kasi naman… ang ganda nya.. kahit na pangalawang beses ko nya nakita sa personal e maganda pa din! ahaha.. sinundan namen sila kaso umakyat e.. tapos umuwi na kami.. ay sila lang pala.. inantay ko pa si rachel yow sa me mini stop.. tapos dumateng na si rachel yow at nag icecream kami at umuwi na kami.. pero di pa dun nagtatapos.. biglang umulan ng malakas.. kailangan nyang iligtas ang kanyang laFtaF, at nahulog pa selpon nya pero binigyan naman ako ng baller na me bungo.. SALAMAT junjun.. hahaha.. at nagpaalam na kami sa isa’t-isa at umuwi na.. pero di pa din nagtatapos! malakas ang ulan.. kailangang makauwi agad.. mabasa na ko lahat -lahat, wag lang yung envelope ko.. waaa!!! at naalala ko si rachel.. wala syang payong! waaaAAA! at nag-alala ako… nabasa sya.. pero naging ok na lahat.. di na nagreply e.. at makikita ko nalang ang sarili ko na nagty-type ng blog tungkol sa experience ko ngayong araw at tatapusin ko na ito..

Leave a Reply